Sinuportahan ni Pope Francis ang pagtawag na immoral ng mga US Catholic bishops sa zero tolerance immigration policy ni President Donald Trump sa Estados Unidos.
Sa kanyang pahayag kasabay ng paggunita sa World Refugee Day sa Vatican, binatikos ni Pope Francis ang nasabing immigration policy ni Trump na posibleng magresulta sa paghihiwalay ng mga pamilya.
Aniya ang nasabing polisiya ng Estados Unidos ay taliwas sa values na itinuturo ng Simbahang Katolika.
Dagdag pa ng Santo Papa, hindi dapat itinataboy ang mga immigrants na dumating sa Estados Unidos.
—-