Sinorpresa ni Pope Francis noong Sabado ang mga batang Ukrainian war refugee na ginagamot sa isang pediatric hospital sa Rome.
Kasunod ito ng sagupaan sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan, libo-libong indibidwal ang nasawi at nasugatan kabilang na dito ang mga sanggol, buntis mga menor de edad at matatanda.
Isa sa mga ibinahagi litrato ng Vatican ay ang pakikipag-usap ng Santo Papa sa isang batang babae na nakabenda ang ulo at tila may nakasaksak na tubo sa kanyang lalamunan.
Nabatid na 19 na batang Ukrainian ang kasalukuyan ngayon ginagamot sa dalawang sangay ng ospital ng Bambino Gesu para sa mga may cancer, neurological conditions o serious war injuries.
Sa ngayon, nasa 50 bata na mula sa Ukraine ang ginagamot sa ospital mula nang magsimula ang digmaan sa pagitan ng dalawang nasabing bansa. – sa panulat ni Mara Valle