Bukas na si Pope Francis sa pag-o-ordain bilang pari ng mga lalaking kasal o tinatawag na “viri probati”.
Ang viri probati ay terminong latin para sa “tested men” o mga lalaking kasal na may namumukod-tanging pananampalataya at kabutihan.
Ito, ayon sa Santo Papa, ang nakikita niyang solusyon sa kakulangan sa pari ng Simbahang Katolika lalo sa mga liblib na lugar.
Ayon kay Lolo Kiko, handa na rin niyang baguhin mga kautusan sa eligibility para sa pagpapari.
Gayunman, nilinaw ni Pope Francis na hindi naman papayagang magpakasal ang mga kasalukuyang paring walang asawa.
By Drew Nacino