Bumalik sa mga mahahalagang kaugalian ng buhay.
Ito ang mensahe ni Pope Francis sa kanyang Christmas eve mass sa St. Peter’s Basilica.
Ayon sa Santo Papa ang Pasko ay ang tamang oras para muli nating makilala ang ating mga sarili kung sino talaga tayo.
Binigyang diin ni Pope Francis na dapat gayahin ang pagiging simple ng batang Hesus na ipinanganak sa sabsaban sa kanila ng pagiging hari nito.
Magsilbi anyang inspirasyon ang buhay ni Kristo at itakwil ang komersyalismo, hedonismo at pagiging magarbo.
By Ralph Obina