Dumating na sa Amerika si Pope Francis para sa kanyang unang pagbisita sa nasabing bansa matapos ang tatlong araw na pagbisita sa Cuba.
Lumapag ang sinakyang Shepherd One sa Joint Base Andrews sa labas ng Washington D.C. bago mag alas-4:00 ng hapon sa nasabing bansa o bago mag alas-4:00 ng madaling araw sa Pilipinas.
Sinalubong ni Presidente Barack Obama, First Lady Michelle Obama at kanilang mga anak ang Santo Papa para i-welcome sa kanilang bansa.
Sa anim na araw na pagbisita sa US, bibisitahin ni Pope Francis ang White House, Joint Session ng US Congress at dadalo para magbigay ng mensahe sa United Nations General Assembly.
Ika-canonize din ng Santo Papa ang kontrobersiyal na 18th century Spanish Friar Junípero Serra sa Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception sa Washington, D.C.
By Mariboy Ysibido