Dumating na si Pope Francis sa Myanmar para sa kanyang unang Papal Visit sa gitna ng akusasyon na nagsasagawa ng ethnic cleansing ang Burmese government sa mga Rohingya o Muslim minority sa naturang bansa.
Nakatutok ang buong mundo kung babanggitin ni Pope Francis ang terminong “Rohingya” na mariing tinututulan ng Myanmar.
Nakatakdang makipagkita ang Santo Papa kay De Facto Leader Aung San Suu Kyi maging sa military chief ng bansa.
Matapos nito ay bibisita si Pope Francis sa Bangladesh upang alamin din ang sitwasyon ng mga Rohingya refugee.
Mahigit 600,000 Rohingya refugees ang nagsilikas sa karatig bansang Bangladesh simula noong Agosto nang sumiklab ang military crackdown sa Rakhine State, Myanmar.