Dumating na sa bansang Morocco si Pope Francis para sa kanyang dalawang araw na pagbisita rito.
Ayon sa mga otoridad sa naturang lugar, inimbita ni Kim Mohammed VI ang santo papa para sa isang pagpupulong sa pagitan ng mga Muslim leader at migrants.
Ito’y bilang bahagi ng kanilang misyon na pagpapabuti ng relasyon ng iba’t ibang relihiyon na isa sa prayoridad ng santo papa.
Sinalubong ni Kim Mohammed VI ang santo papa sa Rabat, Capital ng Morocco, dakong alasdos ng madaling araw roon at alas-diyes ng gabi naman sa Pilipinas.
Kasunod nito ay nagkaroon din ng welcome ceremony sa mosque ng tour Hassan na dinaluhan ng 25,000 katao.
Mahigipit din ang ipinatupad na seguridad para sa pagbisita ng santo papa.
Samantala, ito ang unang papal visit sa isang North African country matapos ang huling pagbisita ni Saint John Paul II noong taong 1985.