Napapanahon ang naging mensahe ni Pope Francis para sa mga kabataan sa pagtatapos ng World Youth Day sa Poland.
Sa kaniyang closing mass, sinabi ng Santo Papa na sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, dapat munang unahin ng mga kabataan ang pagdarasal bago ang internet chats.
Makatutulong aniya ito lalo’t laganap ngayon ang iba’t ibang uri ng tukso na nagdadala sa tao sa kasalanan na itinuturing na virus ng lipunan.
Ginamit din ng Santo Papa ang ilang social media at technology terms para maipaabot ang mensahe sa mga kabataan.
Sa huli, sinabi ng Santo Papa na dapat i-download ng mga kabataan ang lahat ng link na magbibigay ng magandang halimbawa sa kapwa upang mailagay aniya ang mundo sa safe mode.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Reuters