Hihingin ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ng formal apology si Pope Francis kaugnay sa naranasan na ilang dekadang pag-abuso sa isang church run boarding school.
Kabilang ang papal apology sa 94 na rekomendasyon na ginawa ng Truth and Reconciliation Commission sa Ottawa matapos na maiprisinta mga testimonya sa tinawag na cultural genocide ng 7,000 mga estudyante.
Ayon kay Trudeau, umaasa syang magagawa ng Santo Papa na mag-sorry kaugnay sa isyung ito tulad nang ginawa nito sa indigenious communites mula sa South America.
Noong 1874, higit sa 100,000 mga Canadian natives ang sapilitang ipinasok sa mga boarding school kung saan karamihan sa mga ito ay nagsabing inabuso at hindi na nakabalik pa sa kanilang mga pamilya.
By Rianne Briones