Umapela si Pope Francis sa Estados Unidos at Iraq na ituloy ang diyalogo at pairalin ang self-restraint upang hindi na mauwi pa sa giyera ang girian ng dalawang bansa.
Ginawa ng Santo Papa ang apela sa kanyang taunang talumpati na tinaguriang ‘state of the world’ na isinasagawa sa harap ng mga ambassadors na accredited sa Vatican.
Ayon kay Pope Francis, nakakabahala ang mga senyales na nagmumula sa maraming lugar sa Middle East.
Kapag natuloy aniya ang kaguluhan, malalagay sa kompromiso ang unti-unting pagbangon ng Iraq.