Nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon si Pope Francis sa US Senate at House of Representatives.
Mainit na sinalubong ng mga mambabatas ang Santo Papa.
Hinimok ni Pope Francis ang Amerika na gumawa ng mga hakbang kontra sa climate change at nagsalita rin laban sa abortion at death penalty.
Mensahe ng Santo Papa na tulungan ang mga mahihirap at huwag talikuran ang mga undocumented immigrant, isang isyu na humahati ngayon sa mga Republican at Democrat.
Habang nasa Washington DC pinangunahan niya ang seremonya para ideklarang santo si Junipero Serra, ang 18th Century Spanish Missionary sa California.
Ito ang kauna-unahang canonization ceremony sa Amerika.
By Mariboy Ysibido
Photo grabbed from: Huffington Post