Humiling ng patuloy na pagdarasal sa mga mananampalataya si Pope Francis para sa mga naging biktima ng tsunami sa Indonesia.
Sa kanyang talumpati sa Saint Peter’s Square, nanawagan din ito sa mga nakaluluwag sa buhay na magpaabot ng tulong sa mga nasanlanta ng naturang trahedya.
Samantala, nakahanda na rin ang United Nation’s World Food Program na magbigay ng tulong sa gobyerno ng Indonesia.
—-