Humingi ng paumanhin si Pope Francis sa mga iskandalong kinasasangkutan ng Simbahang Katolika sa Vatican at Rome
Kasabay ito nang lingguhang general audience sa St Peter’s Square
hindi naman malinaw, ayon kay Vatican Spokesman Reverend Federico Lombardi kung anong scandal ang tinutukoy ng Santo Papa.
Subalit nais aniya ni Pope Francis na makipag ugnayan sa mga karaniwang tao na nasaktan nang marinig ang iskandalo ng simbahang katolika
Una nang ibinunyag ni Polish Monsignor Krzysztof Charamsa na nagta trabaho sa doctrinal office ng Vatican na siya ay bakla at ilang taon nang may partner.
Si Charamsa ay sinibak na ng Vatican sa trabaho nito kabilang ang teaching assignments sa Pontifical Universities sa Rome.
By: Judith Larino