Inaasahan na magbibigay ng mensahe si Pope Francis para sa mga delegado ng 51st International Eucharistic Congress na magbubukas sa Cebu ngayong araw.
Ayon sa news site ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay posibleng magbigay ng kanyang recorded message o di kaya naman live message sa pamamagitan ng internet.
Sinabi ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng communications department ng 51st IEC, kilala ang Santo Papa sa pagbibigay ng sorpresa kaya naman asahan na rin umano ng mga dadalo ang sopresa na maaring ibigay nito sa pagbubukas ng IEC.
Dagdag pa ni Vergara, maituturing na “spillover of grace” ang IEC mula sa papal visit na naganap noong Enero a-kinse hanggang a-dise nueve noong nakaraang taon.
By: Mark Gene Makalalad