Nakatanggap ng isang hot wheels si Pope Francis mula sa Italian car company na Lamborghini.
Nagkakahalaga ng halos 200,000 Dollars ang personalized white-yellow Lamborghini na natanggap ng Santo Papa.
Ngunit pinili ni Pope Francis na ipasubasta ito at ipamahagi ang kikitain sa mga charity at iba pang nangangailangan ng tulong.
Binindesyunan din ng Santo Papa ang 610 horsepower Huracan Lamborghini na may kulay dilaw at puti bilang simbolo ng watawat ng Vatican.