Ipinagdasal ni Pope Francis sa Angelus St. Peter’s Square sa Vatican ang mga biktima ng bagyong Odette sa Pilipinas.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, umaasa ang Santo Papa na marami ang tutulong sa mga pamilyang apektado kung saan, maraming mga bahay ang winasak ng naturang bagyo.
Bukod pa dito, nasawi din ang nasa mahigit 200 katao sa Visayas at Mindanao.
Nanawagan din si Pope Francis sa publiko na ipagdasal ang mga Pilipinong nakararanas ngayon ng kakulangan sa matutulugan, pagkain, inumin at gamot dahil sa delubyong iniwan ni bagyong Odette. —sa panulat ni Angelica Doctolero