Itinalaga ni Pope Francis ang isang filipino missionary priest na mamuno sa diocese ng Sendai sa Japan.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kinilala ang nasabing pilipino na si Fr. Edgar Gacutan, 57 anyos na nagsilbing parish priest sa Matsubara Catholic Church sa Setagaya Ward, Tokyo.
Si Gacutan ay mula sa lalawigan ng Cagayan at nag-aral ng pilosopiya sa St. Louis University sa Baguio City mula 1981 hanggang 1985 at theology sa Maryhill School of Theology sa Maynila mula 1986 hanggang 1989.
Bilang seminarista, inilipat siya sa Japan noong 1990. Subalit matapos ang tatlong taong internship ay bumalik ito sa Maynila upang tapusin ang pag-aaral sa theology. —sa panulat ni Airiam Sancho