Mayorya ng mga Pilipino ang itinuturing si Pope Francis bilang ‘Most Favorable World leader’ o pinakakatanggap – tanggap na leader sa buong mundo.
Batay ito sa Gallup International Association 41st Annual Global End of Year survey kung saan 87% ng mga Pilipino ang positibo ang pagtingin kay Pope Francis habang 7% lamang ang may negatibong opinyon.
Katumbas ito ng positive 80 net score na nakuha ng Santo Papa sa Pilipinas kung saan mayorya ay Katoliko.
Si Pope Francis din ang nakapagtala ng pinakamataas na iskor na positive 38 sa lahat ng world leaders sa buong mundo.
Samantala, batay din sa naturang survey, malaking bilang ng mga Pilipino ang positibo ang tingin kay US President Donald Trump kung saan nakakuha ito ng iskor na positive 49 o katumbas ng 72% ng mga Pinoy.
Habang nakakuha naman ng negative 1 net iskor si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas o katumbas lamang ng 35% ng mga Pilipino na may positibong pagtingin dito.