Kinondena ng Santo Papa ang muling pambobomba ng Russia sa isang shopping center sa Kremenchuk, Ukraine.
Kasunod ito ng “barbarous attacks” o matinding pag-atake ng Russian Military Forces sa nasabing lugar na nagresulta ng pagkakasawi ng 18 katao at pagkakasugat naman ng 60 indibidwal.
Ipinagdasal ni Pope Francis na magkaroon ng katahimikan at kapayapaan ang walang humpay na bakbakan sa pagitan ng dalawang bansa.
Nanawagan din ang Santo Papa na sana ay matulungan ang Ukrainian population na labis na nahihirapan ngayon partikular na ang mga kabataan at matatanda.
Sa ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa ospital ang mga sugatang biktima dulot ng muling pagpapasabog o paggamit ng missile strike ng Russia.