Kinundena ni Pope Francis at tinawag na brutal act of violence ang naganap na pagpapasabog sa Kabul, Afghanistan.
Sa ipinadalang mensahe ng Santo Papa, kanyang ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.
Kasabay nito, nananawagan din si Pope Francis sa lahat na patuloy na ipagdasal ang mga biktima at kanilang pamilya gayundin ang kapayaan sa Afghanistan.
By Krista De Dios