Nagpahayag ng labis na pagkadismaya si Pope Francis dahil sa hindi natuloy na pagbisita nito sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.
Base sa ulat, ipinagpaliban ang pagtungo ni Pope Francis sa dalawang bansa matapos na makaranas ito ng chronic arthritis sa kanyang tuhod.
May ilang aktibidad din umano ng Santo Papa ang nauna nang kinansela dahil dito.
Ayon sa Vatican, nagdesisyon silang pansamantalang kanselahin ang planned visit ni Pope Francis kasunod narin ng naging kahilingan ng kanyang doktor dahil na rin sa patuloy pa itong nilalapatan ng lunas.
Sa video message naman ng Santo Papa, kanyang inalayan ng “heartfelt blessing” o basbas ang dalawang bansa na nakatakda sana niyang bisitahin.