Pangungunahan ni Pope Francis ang isang misa sa Vatican ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-500 anibersaryo ng pagkakatatag ng kristiyanismo sa Pilipinas.
Ala -5 ng hapon, oras dito sa Pilpinas sabay-sabay na sasahimpapawid sa pamamagitan ng telebisyon at social media ang papal mass na gagawin sa St. Peter’s Basilica.
Ipagdiriwang ng bansa ang nasabing okasyon sa Marso 21 na siyang araw kung kailan dumating sa bansa ang mga espanyol na kasama sa ekspidisyon ni Fernando Magellanes nuong 1521.
Sentro ng okasyon ang Cebu kung saan sinasabing unang dumaong ang barko ng mga conquistador gayundin sa isla ng Homonhon sa Guiuan, Eastern Samar kung saan naman isinagawa ang unang misa sa Limasawa.