Malabo na ang pagbabalik bansa ni Pope Francis para daluhan ang International Eucharistic Congress sa Cebu sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP matapos matanggap ang impormasyon mula sa Vatican City state.
Ayon kay CBCP President at Lingayen – Dagpuan Archbishop Soc Villegas, nauunawaan nila ang naging pasya na ito ng Santo Papa upang bigyang daan ang mga nakahanay na pagbisita nito sa iba pang mga bansa.
Sa halip, sinabi ni Villegas na magpapadala ang Santo Papa ng kaniyang kinatawan para pangunahan ang nasabing pagdiriwang.
By Jaymark Dagala