Agad na nakakuha ng 1.5 million followers si Pope Francis sa kanyang Instagram account.
Makalipas lamang ito ng dalawang araw matapos na sumali ang Santo Papa sa naturang social network site.
Sa kanyang account na Franciscus, makikita na agad nang nakapag – post ang Santo Papa ng limang larawan at isang video.
Una nang sinabi ng Vatican na mismong ang Santo Papa ang syang nakaisip na magkaroon ng account sa Instagram upang mas mapalawak pa ang naabot ng kanyang mga mensahe at mapalapit lalo na sa mga kabataan.
Samantala, mismong si Facebook Founder, CEO at nakabili na rin ng Instagram na si Mark Zuckerberg ang nag-welcome sa Santo Papa.
By Rianne Briones
Photo Credit: AP