Kinumpirma ni Matteo Bruni, tagapagsalita ng Vatican na nabakunahan na si Pope Francis ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Isinagawa ang pagbabakuna sa 84 anyos na Santo Papa kasabay ng pagbabakuna sa 93 anyos na dating Santo Papa Emeritus Benedict.
Batay sa ulat ng Reuters, kapwa vulnerable ang dalawang lingkod ng simbahang Katolika subalit higit na nasa alanganin ang kondisyon ng kalusugan ni Santo Papa Francisco dahil bata pa lamang ay naoperahan na ito sa baga.
Pahayag naman ng Santo Papa nitong weekend sa publiko na ang isang ‘ethical choice’ ang pagbabakuna dahil ito ay pakikipagsapalaran sa iyong kalusugan at buhay subalit pagsugal din ito sa buhay ng iba.
Matatandaang nagsimula ang pagbabakuna sa Vatican nito lamang Miyerkules.—sa panulat ni Agustina Nolasco