Nag-alay ng panalangin si Pope Francis para sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Vinta sa Mindanao.
Sa kanyang Angelus, umapela rin ang Santo Papa sa mga bumibisita sa St. Peter’s Square sa Vatican City na mag-alay ng panandaliang katahimikan para sa mahigit dalawandaang (200) nasawi at higit 70,000 naapektuhan ng kalamidad.
Isinagawa ni Lolo Kiko ang panalangin sa bisperas ng Pasko o ilang oras bago ang selebrasyon ng Eve Vigil Mass.
—-