Aabot sa E100K o katumbas ng P5.8M ang ibinigay na donasyon ni Pope Francis para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.
Sa isang statement, sinabi ng Holy See Press Office na ang donasyon ay para mapabuti ang spiritwal na kalagayan ng mga nasalanta ng bagyo.
Mapupunta ito sa mga lokal na simbahan na pinaka-naapektuhan ng kalamidad.
Maliban sa mga pilipinong naapektuhan ng bagyong Odette, unang nagbigay ng donasyon si Pope Francis para sa mga migrante sa Poland at Belarus. —sa panulat ni Abby Malanday