Nagpaabot ng panalangin si Pope Francis sa mga Filipinong naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ursula.
Inihayag ito ng Santo Papa matapos niyang bigkasin ang Angelus prayer para sa kapistahan ni San Esteban na ginanap sa St. Peter’s Square kahapon, December 26.
Ayon kay Pope Francis, nakikiisa siya sa nararanasang paghihirap ng kanyang mga minamahal na Filipino matapos salantahin ng bagyo.
Aniya, kanyang ipinagdarasal ang mga nasawi, nasugatan at mga pamilyang matinding naapektuhan ng bagyong Ursula.
Kasunod nito, hinimok din ni Pope Francis ang mga dumalo sa Angelus prayer na bigkasin ang dasal na aba Ginoong Maria para sa aniya’y minamahal niyang tao.