Nagpaabot ng pagbati si Pope Francis kay President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa mensahe ni Pope Francis na ipinaabot kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, sinabi nito na patuloy niyang ipagdarasal ang bagong lider ng Pilipinas.
Gayundin ang dasal para sa pagpapala ng Diyos sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Sinabi pa ni Brown na kanya ring binati si Marcos sa courtesy visit na naganap nitong Hunyo 10, kung saan tinalakay ang pagpapatibay sa relasyon ng simbahan at gobyerno.