Nagpaabot ng pakikiramay sa mga Pilipino si Pope Francis matapos yumao si Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.
Sa kaniyang inilabas na mensahe sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na nakikiisa siya sa milyun-milyong Pilipino sa pagluluksa sa pagyao ng pinakamatandang arsobispo sa bansa.
Kasabay nito pinuri ni Pope Francis ang kabaitan at wala aniyang humpay na debosyon sa simbahan ng 86-taong gulang na Cebu archbishop.
—-