Kinondena ni Pope Francis ang nangyaring pag-atake sa isang tourist bus sa Egypt na ikinasawi ng apat kabilang na ang tatlong Vietnamese.
Ito ang nakasaad sa ipinadalang telegrama ng Santo Papa kay Egyptian President Abdel Fattah Al Sisi kasabay ng pagpapaabot nito ng pakikiramay at panalangin para sa mga nasawi.
Tiniyak din ni Pope Francis kay Al Sisi ang kaniyang panalangin para sa mga biktima gayundin aniya sa pamilya ng mga ito maging sa mga sugatan at emergency personnel na rumesponde sa pag-atake.
Hinikayat din ng santo papa ang mga mamamayan ng Egypt na harapin ang karahasan ng mayruong pagkakaisa at kapayapaan sa puso.