Itinalaga ni Pope Francis si Italian Archbishop Gabriele Giordano Caccia bilang bagong Apostolic Nuncio to the Philippines.
Ito ang inanusiyo ng Santo Papa pagbalik niya sa Roma mula sa ilang araw nitong pagbisita sa Columbia.
Si Archbishop Caccia, edad 59 na taong gulang ay nanilbihan bilang Papal Nuncio sa Lebanon mula noong 2009.
Papalitan ni Caccia si Italian Archbishop Giuseppe Pinto na nailipat sa Croatia noong Hulyo.
Ang Apostolic Nuncio o Papal Nuncio ang itinatalaga para maging permanent diplomatic representative ng Holy See sa isang bansa.
_____