Opisyal nang nakarating sa Vatican ang terminong “fake news.”
Ito’y makaraang piliin ni Pope Francis ang isyu ng mga pekeng balita o nunti fallaces sa Latin bilang paksa para sa World Communication Day sa susunod na taon.
Ang topic para sa nasabing pagdiriwang ay personal na inanunsiyo ng Santo Papa sa pamamagitan ng kanyang twitter account na mayroong 13.7 million followers.
I have chosen this theme for World Communications Day 2018: “The truth will set you free” (Jn 8:32). Fake news and journalism for peace.
— Pope Francis (@Pontifex) September 29, 2017
Nagiging laman na ng mga debate ang fake news sa political arena sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas.
—-