Nagpaabot ng pakikiramay at dasal si Pope Francis sa pamilya ng 32 nasawi sa pambobombang naganap sa isang palengke sa Baghdad, Iraq nitong Huwebes, Enero 21.
Base sa mensahe ng Santo Papa, ipinapanalangin niya ang mga sugatan at mga emergency personnel na sumaklolo naganap na pag-atake at mariin niyang kinokondena ang ganitong klase ng karahasan.
Magugunitang nakatakdang bumisita ang Papa sa Iraq sa buwan ng Marso 5-8 at apat pang bayan.—sa panulat ni Agustina Nolasco