Nakikiusap si Pope Francis kay Russian president Vladimir Putin na itigil na ang karahasan at patayan laban sa Ukraine.
Nabatid na direktang umapela ang Santo Papa kay Putin hinggil sa bakbakan ng Russia at Ukraine kung saan, marami nang luha at dugo ang dumanak.
Ayon kay Pope Francis, dapat na isipin din ni Putin ang kapakanan ng kanyang mga tauhan.
Kaugnay nito, tinawag ng Santo Papa na “Absurd” o walang katotohanan ang pangambang nuclear conflict kaya dapat nang matigil ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Bukod kay Putin, nanawagan din si Pope Francis kay Ukraine president Volodymyr Zelenskyy na maging bukas sa anumang peace proposal sa kabila ng nagaganap na tensiyon.
Sa ngayon, pumalo na sa $35.33 billion ang halaga ng environmental damage bunsod ng pananakop ng Russia sa Ukraine.