Nanawagan si Pope Francis na ihinto na ang nagaganap na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kasunod ito ng walang tigil na bakbakan ng dalawang bansa kung saan, umabot na sa 98 sibilyan kabilang na ang tatlong bata ang nasawi sa Ukraine dahil sa pagsalakay ng Russian Forces.
Ayon kay Pope Francis, kasama ng panginoon ang mga taong nagnanais ng katahimikan at kapayapaan sa kanilang bansa at hindi ang mga gumagamit ng karahasan.
Sa pahayag ng Un Refugee Agency, umabot na sa 368K na katao ang tumakas sa Ukraine simula nang sakupin ng Russia ang nasabing bansa.
Nabatid na 156K sa mga tumakas ay nagtungo sa kalapit na bansa kabilang na ang Poland, Moldavia, Hungary, Slovakia at Romania. —sa panulat ni Angelica Doctolero