Nanawagan ng kapayapaan si Pope Francis sa Central African Republic.
Sa misang pinangunahan ng Santo Papa sa kapitolyo ng car na Bangui, hinimok nito ang mga naglalabang paksyon duon na ibaba na ang kanilang mga armas.
Sa halip, iginiit ni Pope Francis na dapat armasan ng mga taga Africa ang kanilang sarili ng hustisya, pagmamahal, awa at kapayapaan.
Ang CAR kasi ay nagkakawatak watak dahil sa karahasan sa pagitan ng mga muslim rebels at christian militias.
Ang pagbisita sa CAR ng Santo Papa ay ang kanyang huling stop sa kanyang three nation African tour.
By: Ralph Obina