Pagbisita sa Lebanon at South Sudan ang pangako ni Pope Francis ngayong Pasko.
Karaniwan nang nagbabanggit ng mga bansa ang Santo Papa bilang bahagi ng kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng Pasko.
Ngunit ngayong taon ay special mention ang dalawang nasyon dahil sa tindi umano ng mga kinaharap na pagsubok ng mga ito ngayong 2020.
Nariyan umano ang krisis at kaguluhan sa dalawang bansa at maging ang pagsabog sa beirut ay nabanggit ng Santo Papa.
Ipinarating ng Santo Papa ang kaniyang simpatiya sa mga tiga Lebanon at Sudan hiling nitong makabisita sa lalong madaling panahon.