Nanindigan si Pope Francis na hindi solusyon ang abortion o ang pagpapalaglag sa sanggol upang masolusyunan ang paglaganap ng zika virus.
Ito’y bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag sa Santo Papa sa kanyang biyahe pabalik ng Roma mula sa kanyang biyahe sa Mexico.
Iginiit ng Santo Papa, hindi maaaring maging solusyon ang pagpapalaglag para lamang makapagligtas ng isa pang buhay dahil ito’y isang krimen.
Manapa’y ipinahiwatig ng Santo Papa na maaaring pumayag ang simbahan sa paggamit ng contraception o artificial birth control bilang alternatibo sa pinaka-kinakailangang pagkakataon.
Binigyang halimbawa ng Santo Papa ang pagpayag noon ni Pope Paul VI sa paggamit ng contraception ng mga madre sa Africa sa sandaling mabiktima sila ng panggagahasa.
Una nang inihayag ng mga eksperto na ikunsidera ang pagpapalaglag ng sanggol upang mabawasan ang mga kabataang magdurusa sa epektong dulot ng virus sa mga apektadong bansa.
By Jaymark Dagala