Kasama si Pope Francis sa mga contenders para sa 2015 Nobel Peace Prize.
Paulit-ulit na nanawagan si Argentine Cardinal Jorge Bergoglio na magkaroon ng kapayapaan sa Middle East nang umupo ito bilang pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko.
Binisita rin ng Santo Papa ang Palestinian territories at Israel noong Mayo.
Ngayong 2015, highlight naman ng Roman Catholic faithful ang pagbisita ni Pope Francis sa Cuba kung saan nakipagkita pa ito sa revolutionary leader Fidel Castro.
Matapos ang biyahe sa Cuba ay bumisita rin ang Santo Papa sa US.
Naging bahagi siya ng United Nations General Assembly at nanawagan sa mga world leaders na wakasan ang nuclear weapons at ang pagpuri sa Iran nuclear deal.
Sa Oktubre 9 iaanunsiyo ang mananalo sa Nobel Peace Prize.
By Mariboy Ysibido