Nais ni Pope Francis na ipagpatuloy ang nasimulang drug rehabilitation program ng Simbahang Katolika na “Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay.”
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, nabanggit niya sa Santo Papa ang programang ito nang magkaroon siya ng pagkakataon na makausap niya ito sa Rome.
Bunsod ng kampanya kontra droga ng pamahalaan ang binuong programa ay may layong makapagbigay ng counselling, spiritual at values formation sa mga minsang nalulon sa ipinagbabawal na gamot maging ang tulong sa aspetong pangkabuhayan ng mga drug dependents ay kanila ring sinusuportahan.
—-