Pinapurihan ni Pope Francis ang mga lider ng North at South Korea matapos ng matagumpay at positibong resulta ng makasaysayang Korean Summit.
Ito ay matapos magkasundo sina NoKor leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae In na wakasan na ang kaguluhan sa Peninsula.
Gayundin ang naging pangako ni Kim na itigil na ang pagsasagawa ng mga nuclear tests.
Ayon kay Pope Francis, nagpakita si Kim at Moon ng katapangan para sa isang tunay at matapat na kapayapaan sa Korean Peninsula.
Ipinagdarasal din ng Santo Papa na magpatuloy ang pag-uusap ng dalawang lider para sa benepisyo hindi lamang mga Korean citizens kundi ng buong mundo.