Posibleng muling bumisita sa bansa si Pope Francis.
Plano kasi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na imbitahan ang Santo Papa para sumaksi sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa sa 2021.
Aminado si CBCP Commission on Mission Head at Sorsogon Bishop Arturo Bastes na bihirang pagkakataon na bibisita ang santo papa sa isang bansa ng dalawang beses ngunit malaki ang kumpiyansa nilang pagbibigyan ng Santo Papa ang kanilang imbitasyon.
Matatandaang noong Enero 2015 unang bumisita sa bansa si Pope Francis sa bansa kung saan binisita pa nito ang mga biktima ng super typhoon Yolanda na tumama sa Leyte at iba pang karating probinsya.
—-