Sa pagdating ni Pope Francis sa Amerika ay ipinahiwatig nito sa Washington ang mensahe na dapat gamitin ang kapangyarihan at yaman nito sa pagsisilbi sa sangkatauhan.
Ang pinakamataas na lider ng Iglesia Katolika ay sinalubong nina US President Barack Obama, First Lady Michelle Obama, first daughter Sasha at Vice President Joe Biden sa kanyang pagdating doon.
Sinasabing layon ng 6 na araw na state visit ng Santo Papa sa Amerika na ihatid ang kanyang mensahe tungkol sa malasakit at pamumuhay ng simple sa mga mayayaman at kapangyarihang bansa sa mundo.
Matatandaang bago tumulak patungong Estados Unidos ay nagkaroon muna ng 4 na araw na pagbisita sa Cuba ang Santo Papa.
By: Jelbert Perdez