Nakatakdang magpa-opera sa kaniyang mata si Pope Francis sa susunod na taon.
Ito’y makaraang aminin ng Santo Papa sa kaniyang pagbisita sa Regina Coeli Jail sa Roma na mayroon siyang katarata.
Bagama’t naging maganda sa pangkalahatan ang kalusugan ng otsenata’y uno anyos na Santo Papa, inamin nito na tila bahagi na ng kaniyang edad ang pagkakaroon ng problema sa mata.
Hindi pa kailanman naoospital ang Santo Papa mula nang maupo ito sa kapangyarihan noong taong 2013 matapos humalili sa nagbitiw na si Pope Emeritus Benedict XVI.