Tiniyak ni Pope Francis na pananagutin niya ang mga paring nangmomolestiya ng mga kabataan.
Ito ay matapos na bumisita ang Santo Papa sa Philadelphia para sa isang rally ng mga Catholic families at nakipagpulong sa mga biktimang kabataan na inabuso ng mga pari.
Pinuri din niya ang mga biktima dahil sa tibay ng loob matapos maganap ang pang-aabuso.
Sinabi pa ng Santo Papa na bubuo ng bagong Vatican Tribunal para panagutin ang mga pari na sangkot sa mga pang-aabuso.
Bukod sa pakikipagpulong sa mga biktima ng pang-aabuso ay bumisita din ito sa isang prison facility bago nagsagawa ng huling misa niya.
By Mariboy Ysibido