Tuloy ang nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa Egypt ngayong buwan.
Ito ay sa kabila ng nangyaring pagpapasabog sa isang simbahan sa naturang bansa na ikinasawi ng apatnapu’t apat (44) na katao.
Gayunman, ayon sa isang Vatican official, maaaring magkaroon ng pagbabago sa schedule ng aktibidad ng Santo Papa kung mas lalala pa ang sitwasyon sa Egypt.
Nakatakdang magtungo si Pope franCis sa Cairo sa April 28 hanggang 29 upang makipagpulong kay Egypt President Abdel Fattha Al-Sisi, Grand Imam Sheikh Ahmed Al Tayeb at Egpt Coptic Pope Tawadros.
By Krista de Dios