Tumaas lalo ang posibilidad na ideklarang Santo si Pope John Paul I matapos kilalanin ng Vatican ang himalang iniugnay sa kaniya.
Ang nasabing himala ay nangyari matapos ang biglaang paggaling ng isang 11 taon gulang na babae sa Buenos Aires noong 2011 na ipinagdasal ng pari kay John Paul I.
Kamakailan lang nang initorisahan ni Pope Francis ang congregation for the causes of saints na kilalanin ang mirakulong nagawa ni John Paul I.
Samantala, ang naturang hakbang ay apat na dekada ang lumipas nang pumanaw noong 1978 si John Paul I at pinakahuling Italian Pope na kinilala bilang “smiling Pope”—sa panulat ni Airiam Sancho