Ganap nang hihirangin ngayong araw ni Pope Francis bilang bagong mga santo ng Simbahang Katolika sina Pope Paul VI at dating El Salvador Archbishop Oscar Romero.
Kabilang ang dalawa sa limang iba pang idedeklara ring santo gayundin ang isang binatilyong Italyano na nasawi dahil sa bone cancer sa edad na 19 at isang madre.
Inaasahang libu-libong mga deboto ang daragsa sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa Roma para saksihan ang makasaysayang canonization rites.
Para kay Pope Francis, personal para sa kanya ang canonization ni Archbishop Romero dahil sumasalamin ito sa pagiging malapit ng simbahan sa mga mahihirap gayundin sa paglaban sa kawalan ng katarungan.
Habang si Pope Paul VI naman ang naging susi para mabuksan ang simbahan sa buong mundo sa ilalim ng Vatican II na nagpalawig sa liturhiya na maipagdiwang sa wikang bernakular o nauunawaaan ng mga tao mula sa tradisyunal na Latin.