Idedeklara na ngayong taon bilang santo si Pope Paul VI.
Inanunsyo ito ng Santo Papa sa misang pribadong pulong ng kaparian sa Roma.
Una nang inaprubahan ng Vatican Theological and Medical Commission ang ikalawang milagro na na-attribute sa kanya.
Magugunitang naupo bilang Pontiff si Paul matapos pumanaw si Pope John XXIII noong 1963 hanggang sa kamatayan nito nuong 1978.
Ang Simbahang Katolika ay pinamunuan ni Pope Paul VI ang isa sa tinaguriang pinakamagulong yugto ng kasaysayan dahil sa ilang kontrobersyal na usapin tulad ng birth control.
Si Pope Paul VI ang kauna-unahang Santo Papa na nakatapak sa Pilipinas nang dumalaw ito noong Nobyembre 1970 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.